We always say "proud to be Pinoy". Sa tuwing mananalo si Pacquaio sa mga laban nia, we say "proud to be Pinoy", Nang lumabas si Charice sa Glee, sabi uli natin "proud to be Pinoy". Kapag may nadiscover tayong mga Fil-Am na nagiging sikat sa Hollywood(Vanessa Hudgens, apl de Apt, Bruno Mars, etc.), sasabihin uli natin "proud to be Pinoy". But in reality, gaano ba tayo ka-proud sa pagiging Pinoy? Bakit di tayo makapagsalita ng tuwid na Filipino (I did not use Tagalog kasi tiyak mega react ang ibang region nyan)? Bakit ang mga professionals natin nag-iibayong dagat, tapos nagpapa-citizen sa ibang bansa? Bakit mas type natin ang foreign brands? Bakit natin ginagaya mga Koreano? Bakit gusto natin pumuti at tumangkad? Bakit wala nang nais bumalik sa probinsya? Bakit ang pamahalaan ninanakawan ang mamamayan (pero pag panalo si Pacquaio, proud to be Pinoy din daw sila)?
Ikaw? How proud are you of being Pinoy? What can you sacrifice for our country?