Monday, February 29, 2016

M. Pacquaio vs the LGBT community

After a long while, ngayon lang uli nabuksan.



Pag-usapan natin ang recent boo boo ni Pacquiao. Nagalit ang sangkabekihan nang sabihin nyang mas masahol pa ang tao sa hayop kung gagawa ng gawaing homosexual. The words are offensive. pero chop chop version pala ang ini-upload ng TV5 sa internet. To sensationalize an issue, gawain ng news channels na mag-splice ng interviews para mapukaw ang interes ng manonood. Kawawang Pacquiao halos ma K.O. ng LGBT community.

Bintang kaliwa't kanan ng salitang "bigot". Ang "bigot" ay mga indibidwal na di kayang sumang-ayon sa taliwas na paniniwala ng iba. Sabi ng mga kristiyano, bigot daw ang LGBT, kasi di sumusunod sa aral ng bibliya. Sagot naman ng LGBT, bigot din ang mga kristiyano sapagkat di nila matanggap ang existence ng LGBT community. Sa totoo lang, bawat panig may pagkukulang sa pang-unawa. Kung matututo lang sana tayong unawain ang pagkakaiba ng bawa't isa, magkakaroon tayo ng mas mapayapang pakikipagugnayan sa bawa't isa. Co-existing harmoniously is not impossible if we give it a try.

Ang nakalulungkot, nawalan ng ilang endorsement si Pacquiao gawa ng kontobersiyang ito. Masaklap pa niyan ay kapwa Pilipino ang nag-akda ng petisyon para tanggalin si Pacquiao bilang endorser ng Nike. Mahirap tanggapin na kayang saksakin nang patalikod ng isang Pilipino ang kapwa niya Pilipino dahil lamang sa isang di pagkakaunawaan.

Lilipas ang panahon, maghihilom ang sugat. Mas mangingibabaw pa rin ang mga karangalang naiuwi at naibahagi ni Pacquiao para sa sambayanang Pilipino. Sana nag-isip muna. Sayang ka Pinoy.

If you don't like Manny for the senate, at least let him be what he is to all of us, "Ang nag-iisang pambansang kamao".

#notobigotry
#notoignorance
#notobetrayal
#notocrabmentality

Your life is your choice, let others live a life of their choice.