Wednesday, March 16, 2016
Eleksyon 2016 VP bets
Atin namang kilalanin ang mga kandidato para sa pagkabise presidente ngayong 2016. 6 ang magkatunggali para sa ikalawang pinakamataas na posisyon ng pamunuang pambansa.
sila ay sina:
1. Sen. Peter Allan Cayetano. Anak ng yumaong Sen. Rene Cayetano at kapatid ni Sen. Pia Cayetano. Siya ang magiging partner ni Mayor Duterte.
2. Sen. Chiz Escudero. Asawa ng artistang si Heart Evangelista. Siya ang running mate ni Sen. Miriam Santiago.
3. Sen. Gringo Honasan. Iconic figure sa eksenang pampulitika ng Pilipinas. Running mate ni VP Binay.
4. Sen. Bongbong Marcos. Anak ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Katandem naman niya si Sen. Miriam Santiago.
5. Leni Robredo. Maybahay ng yumaong Mayor Robredo. Partner naman siya ni Mar Roxas.
6. Sen. Antonio Trillanes. Leader ng Magdalo. Independent.
Mahalaga ang posisyon bilang bise presidente. Sa ano mang pangyayari at di maipagpapatuloy ng pangulo ang kanyang tungkuling pambansa, ang nahirang na bise presidente ang siyang hahalili sa maiiwang posisyong ito. Kaya dapat maging magsing-ingat ang pagpili natin sa Vice president at President. Parehong nakasalalay sa kanila ang kinabukasan ng ating bansa.
Sa kasalukuyang survey, Pangalan ni Gng. Robredo ang nangunguna sa listahan. Pumapangalawa naman sina Sen. Marcos at Sen. Escudero. Sabi naman ng iba Number 1 din daw si Sen. Cayetano sa ibang survey. May mahigit 1 buwan pa bago ang araw ng halalan. Magbabago pa ang resulta ng survey. Nasa husay ng pangungumbinsi ng bawa't kandidato nakasalalay ang kanilang pagwawagi. Naidadaan din naman ito sa tamang pagdidiskarte. Matatandaang noong halalan 2010, pumapangatlo lamang si Mayor Binay sa survey bago mageleksyon, nguni't sa araw ng paghuhusga siya ang hinirang na wagi.
To our beloved candidates, pagbutihan nyo pa ang inyong pangangampanya. Pakiusap lamang na kapag kayo'y nahalal, tuparin nyo sana ang mga binitiwan nyong mga pangako. Pagbutihin nyo rin sana ang paglilingkod sa bayan. Most importantly, Be a good partner to our President.
Sa atin namang mga botante, mamili ng mabuti. Pag-isipang mabuti kung sino ang iboboto. Gumawa ng sapat na pananaaliksik sa background ng bawa't kandidato. Isaalang-alang ang kinabukasan ng ating bansa.
Ikaw? may bet ka na ba? ako meron na. Clue: NO to yellow, NO to smiling monkeys.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment