Wednesday, March 09, 2016

Election 2016

Muli na namang nagkasabay ang halalan sa Pilipinas at Estados Unidos. Dito sa atin 4 ang matunog na kumakandidato sa pagkapangulo. Sina Roxas, Duterte, Binay at Santiago. Sa Amerika naman ay di pa napagpapasiyahan ang katawan ng bawa't partido. Iba ang pamamaraan ng pagpili ng kandidato sa Amerika. Mas komplikado ang sistema. Ganun pa man ito ay mas kapanapanabik dahil sa mga kalahok ng bawa't partido. 2 malaking partido ang magkatunggali sa Amerika. Ang Democrats at Republicans. Ang puwesto sa Democrats ay pinagaagawan nina Bernie Sanders at Hillary Clinton (maybahay ng dating pangulong Bill Clinton na naging secretary of states ni Pangulong Obama). Sa Republicans naman ay mainit ang labanan sa pagitan nina Donald Trump, Ted Cruz at Marco Rubio. Sa kanilang 3 pinakamalakas ang ingay na nililikha ni Donald Trump, isang kilalang matagumpay na bilyonaryo.

Ayon sa masusing pag-aaral ng mga dalubhasa, posibleng ang magkaharap sa halahaln ngayong Nobyembre (sa Amerika) ay sina Clinton at Trump. Subali't ang kandidatura ni Clinton ay kasalukuyang nanganganib dahil nahaharap siya sa posibleng diskwalipikasyon. Naiulat na sumuway sya sa mahigpit na pag-iingat ng mga impormasyong kompidensyal ng pamahalaang Amerika. Kung matutuloy ang pagtanggal sa kanyang kandidatura, Tiyak na pagwawagi ni Donald Trump bilang susunod na pangulo ng Estados Unidos. Marami ang umaasa sa kanyang pagwawagi. Para sa kanyang mga tagahanga, si Mr. Trump lamang ang makapagdadala ng panibagong sigla sa bansang Amerika. Ang pangako naman ni Trump ay makikita sa kanyang campaign slogan na " Make America great again"





Sa gawing Pilipinas, patuloy na umiinit ang labanan ng bawa't kandidato. Nasa kasagsagan ng pangangampanya ang bawa't isa. Kung paniniwalaan ang mga survey, dikit ang laban sa pagitan ng mga kandidato bukod kay Roxas na pambato ng kasalukuyang administrasyong Aquino. Ayon sa isang fearless forecast, si Binay ang tinatayang magwawagi ngayong halalan. Bukod sa malakas ang kanyang appeal sa masa. Mayroon din syang solid support block na maghahatid sa kanya sa tiyak na pagtatagumpay.


"Ganganda ang buhay kay Binay". Sana nga VP Binay. Aasahan namin yan.

Vote wisely everyone, specially every Juan. Para ito sa kinabukasan ng ating inang bayan. For the meantime, mag-enjoy muna tayo sa maiinit na pagdedebate ng mga kandidato. suriin kung sino ang may pinakamagandang plataporma. Sino ang may pinakamagandang plano para sa pagpapaunlad sa bayan? Sino ang may kakayahang ipatupad ang kanyang mga plano? Hindi sapat ang may pangarap at plano.  Dapat may kakayahan sa implimentasyon.

Good luck Philippines and United States.
         

No comments: