Papalapit nang muli ang Semana Santa. Paano nyo ito ipinagdiriwang?
Nakakaugalian nyo pa rin ba ang pagsisimba? ang pagbibisita Iglesia? Ang pagaayuno? Ang pagpapabasa? ang panonood ng Senakulo? At higit sa lahat ang magnilaynilay ukol sa kasalukuyang estado ng inyong pananampalataya?
Sadyang nagbago na ang panahon. Sa kasalukuyang henerasyon, wapakels na ang mga nabanggit sa itaas. The Holy week, for most means a long holiday break. bakasyon abroad or sa beach ang usong gawain. Bukod sa pasko ito nga lang naman kasi ang bakasyong mahaba-haba. Isa ito sa mga panahon kung kailan tayo ay makakapag relax. Have a break sa araw araw na stress sa trabaho. Pero sana kahit naiba na sa kinaugalian ang ating mga gawain, huwag nating kalilimutan ang tunay na kahulugan ng Holy week. Magkroon pa rin sana tayo ng oras para makapag dasal at makapagnilaynilay ukol sa pamamaraan ng ating kasalukuyang pamumuhay. Samantalahin natin ang pagkakataong ito para maituwid ang naliligaw nating landas. Muli natin hingin ang gabay ng nasa itaas para maiwasto ang mga mali nating gawain.
Ok lang mag-enjoy basta dapat may time pa rin para magsimba.
Wednesday, March 16, 2016
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment