Friday, April 07, 2017
Weekend anticipation : April 8 and 9
Oy weekend na uli. Pahinga pagkatapos ng mahabang linggo.
Papasok na ang Holy week. Palm Sunday na sa Linggo. Next week, 3 araw lang ang pasok.
This weekend, busy-busy-han tayo. Bukod sa regular weekend chores, maglilinis ako ng terrace. katatapos lang kasi ng renovation. Ibabalik ko doon ang aking mga alagang halaman. Sa Holy week break ko pa sila ililipat. Sa Linggo ang pre-work. Kailangan pa kasing linisin ang terrace. Ihahanda ko rin ang mga kailangang gamit at kasangkapan para sa replanting ng aking mga halaman. Matagal-tagal din silang nailipat indoors. Tiyak na matutuwa sila at muli na naman silang masisilayan ng araw.
Mostly, mga aloes ang tanim ko. May mangila-ngilang gumamela. Sila ang mag-ooccupy sa terrace namin. Kailangan pagplanuhan ang bagong landscaping. Gusto ko rin sanang magsimula ng vegetable gardening. Good luck to me. Sana maging successful.
Sa landscaping, gusto ko lang naman lagyan ng arte yung arrangements ng mga halaman. Hindi ko kasi pinag-iisipan noon yun. Basta salpak lang ng mga paso ang ginagawa ko. Some here, some there. Tabi tabi sa iba't ibang sulok. This time, I want to make the arrangement look visually appealing, since bagong pintura yung terrace. Yan ang project ko sa Holy week break.
Mamimili ako ng kakailanganing gamit mamayang uwian. Sana may stock. Hindi ko kasi naalalang mamili. Lupa, soil enhancers, planters, pots, composts, etc. Wish me luck. Sana may available stocks. May next week pa naman if walang mabili mamaya.
Excited ako kasi, Last year pa yung huli kong pagrereplant nung aking mga halaman. This time hindi maganda ang tubo nila since nilipat ko sila indoor. Hindi maganda ang tubo. They will need some trimming. With the right amount of sun exposure, sana manumbalik ang sigla nila. Every year kasi kapag nagrereplant ako, tinatapyasan ko ng dahon yung mga aloe vera ko. meron akong 12 na malalaking paso ng aloe vera, then about 20-25 nung mga maliliit. So every trimmings, maramirami rin yung harvest ko. Personally hindi ko sila nagagamit. Hindi ko naman alam paano gamitin ang aloe vera. Sabi nila pwedeng ipahid sa balat at pwede rin daw kainin. Kahit sariling tanim ko at alam ko namang malinis, ni minsan hindi sumagi sa isip ko na kumain ng aloe vera.
Yung mga harvest ko iniiwan ko lang sa garahe namin, nakatali yun, 4-5 tali siguro naiipon ko. Bawat tali is approximately 10 kilos or more. Di ko naman tinitimbang. Approximate weight lang siya compared sa isang bag ng bigas. Kinukuha yun ng either tita ko or hipag ko. Pinamimigay nila sa ofc nila. Ginagawa raw oil. At least di nasasayang. But this harvest, mukhang kakaunti lang ang mapapakinabangan. halos 10 months kasi indoor yun mga halaman. Payat at kakaunti ang tubo.
Meron din akong isang ZZ plant. Mananatili siyang indoor. Binilhan ko na sya ng decorative pot. Soil refurbishing na lang ang kailangan. Nag-ipon ako ng mga dahon ng tsaa. Yun ang gagawin kong pataba. Hahaluan ko rin ng kaunting vermicast. Hangga't maaari nais kong natural ang mga sangkap sa aking mga paso. Mas malusog ang mga halaman at safe gamitin. Mas mainam din kasi nirerecycle ko yung mga lupa. Kaunting refurbishing lang naman, tataba na uli ang lupa.
Di ko na maalala kung kailan ko simulang nakahiligan ang pagtatanim. Nagsimula ito sa isang tumpok ng aloe vera na kinuha ko sa mga pananim ng lola ko. Doon nagsimula ang aking aloe vera collections. Di ko naman binalak na paramihin sila. 1-2 paso lang sana ang nais ko. Subali't sadyang mabilis silang lumago at kumalat. Di ko namalayan, magsisingkwentang paso na pala ang alaga kong aloe vera. Bukod sa mga aloe vera, nakawilihan ko rin ang mga halamang gumamela. yun nga lang nagkamali ako ng tabas nung huli akong nagtrimming. So mula 7 pots, 2 na lamang ang natira. Pero ayos lang, sa tamang pag-aalaga dadami uli sila. Alam ko naman kung anong pagkakamali yun nagawa ko kaya may precautionary measures na.
Happy weekend sa inyo. Sa mga uuwi na ng probinsya at dun na rin sa maagang magbabakasyon, ingat kayo and enjoy your vacation. And of course, take some time to pray and make some reflections. Make the Holy week holy and meaningful.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment