Wednesday, April 05, 2017

Wednesday musings : Apr 5, 2017



Lumidol kagabi bandang 9:00p.m.
Nagsusulat ako sa FB nang maramdaman ko ang pagyanig. It was just a slight tremor though. Yung parang may tumabig lang sa aking kinauupuan, then I saw the swinging chandelier. Confirmed. The earth did moved.

Senti-sentihan ako kagabi. Inaalala ang nakaraang 13 lumipas na taon. Anniv ko sa aking pinapasukang kumpanya today (Apr 5). It was not an easy decision. Maraming pag-aalinlangan. Yet after some careful thinking, I decided to join the company to which I have served the longest time and may continue to serve for the years still to come.

Ito ang company na unang nagbigay sa akin ng posisyon. I was offered to start a group. Nagtrain sa Japan for 1 year then pagbalik dito sinimulan ang paglead ng isang bagong team. Isang malaking hamon. For a then neophyte like me, nagsugal ang kumpanya. Yung tiwalang yun, yan ang lagi kong baon baon. Baon sa bawa't pagkakataon na kinakailangan ko ng lakas ng loob. Lakas ng loob para ituloy ang laban para sa kumpanya.

This leadership position gave me a chance to show and prove what I can do. Not just to show off my technical capabilities but to prove (even to myself) that I can do even the impossible. It has help shape not only my career but my character as well. Dito ko nailabas at naipamalas ang tinatago kong tapang at lakas ng loob. It certainly build my confidence to withstand all challenges. It has also help me develop my interpersonal skills. Hindi lang sa pakikipagkapwa kundi pati sa mga confrontations. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maayos ang sitwasyon. May mga pagkakataon na masusubukan ang iyong pasensya. Hindi lahat ng tao ay aayon sa kagustuhan mo, kung kaya't dapat marunong kang lumaban at ipaglaban ang paniniwala mo. But, of course, do so professionally and (as much as possible) in a diplomatic way. Trabaho lang. Hindi makakatulong if maghahanap ng kaaway.

Sa loob ng 13 taon, malaki ang aking ipinagbago. Dulot ng mga karanasan at hamon na dala ng trabahong ito. Nagpapasalamat ako at nabigyan ako ng ganitong pagkakataon. Although, syempre guilty rin minsan dahil may mga pagkakataong alam kong hindi ko nagawa ang best ko. Naging malubak man ang daan tungo sa tagumpay, ang mga taong aking nakasalubong at nakasabay sa paglalakbay na ito ang siyang naging sandalan ko upang mapagtagumpayan ang mga hamong dumaan.

My only hope is that in that 13 years I was able to touch somebody else's life. I knew I did. Not just one but many. I hope that they keep the lessons I have imparted with them. I always make it a point to bring the best out of the people I manage and work with. I want them to be the best that they can be, not only at work but personally as well. Binubusog ko sila sa mga pangaral. Kahit kadalasan napapansin ko ang pagtataka sa kanilang mga mukha tuwing sila'y aking pinangangaralan. I always ask them to listen and bear with my "sermons". Hindi naman masyadong mahaba. Listen, i tell them, even if they don't understand what I'm pointing out at the moment. A time will come when they will understand what I'm telling them. Hopefully, at that right time, they remember my words and put them to good use.

Sa buhay, hindi lang yaman at salapi ang maaring ipamahagi. Ang karunungan at mga aral sa buhay ay libre rin nating maipamamahagi. Shape the world according to your ideals. And sana tama yung ideals na yun. That is the only way you can move ahead of your competitors. Build a legion of followers. Followers who trust and believe in you. It's not easy and it doesn't happen overnight. But trust me, it can be done. Create a vision, preach that vision, then act on it.

Do not be too wary about what other people think nor what the outcome may be. Take action and just do it. Before you even know it, what you have envisioned has already transformed into reality.

  
   

No comments: