Monday, April 17, 2017

Sa paligid ng bahay

 
Hindi ako palalabas ng bahay kung kaya't hindi ko napagmamasdan ng mabuti ang anyo ng aming kapaligiran. Noong aking kabataan mas madalas akong nakalalabas. Madalas kasi akong utusan upang mamili sa mga kalapit tindahan. Malayo-layo rin ang aking nilalakbay sa tuwing mauutusan. Andyan ang magpunta sa palengke na 20-30 minuto kung lalakarin. Minsan naman ay sa botika malapit sa hospital. Malayo rin ito. 30 minutong lakaran din sa kabila namang direksyon. Mas malapit kung sa supermarket at grocery. 10 minuto lang kung lalakarin. Nguni't minsan ay nagbibisikleta ako. Wala pang 5 minuto ay nararating ko na ito.




Malaki na ang ipinagbago sa kapaligiran ng aming bahay. Ang dating puro residential houses ay napalitan na ng mga townhouses at mga konkretong gusali. Noong araw, mga ancestral homes ang mga bahay dito. Mga 70's inspired homes. Yung mga bahay na yari sa kahoy. Malalaki ang mga lote kung kaya't bawat bahay may garden o swimming pool. Yayamanin ang aming mga kapitbahay. Lahat sila may mga maids at drivers in uniform. Masarap magbisikleta sa kalsada tuwing dapit hapon. Safe pa ang kalsada noon. Tahimik at malinis ang kapaligiran.





Lumipas ang panahon at unti-unting nagbago ang anyo ng aming neighborhood. Ang mga may-ari ng magagarang bahay ay isa-isang nangibang bansa. Yan ang trend noon. Ang mga mayayamang ninuno, pinapadala sa abroad ang mga anak para doon makapagtapos and hopefully doon na din manirahan afterwards. Magulo pa kasi noon matapos ang EDSA revolution. Walang katiyakan ang lagay ng ekonomiya sa bansa. So ang ending, ang mga magagarang pag-aari naiwan sa mga matatanda na di na kayang i-maintain ang kanilang ari-arian. Siyempre in their old age na libre na sila sa mga responsibilidad, sumunod na din sila sa kanilang mga anak sa ibang bansa.






Ang mga naiwang pag-aari ay isa-isang ipinagbili. karamihan nga nito ay na-convert sa townhouses. Ang mga 1000 hanggang 2000 square meters na mga lupain ay mainam nga naman para sa mga ganitong proyekto. Ang iba naman ay pinatayuan ng gusali. Tulad ng aming tirahan. Hindi kasi kami nag-migrate. Bagkus naging multi generational ang set-up namin, kung kaya't mas akma ang pagtatayo ng gusali na mayroong maraming palapag.








Unti-unti ring nagbago mula residential area patungong semi-commercial area ang aming komunidad. Isa-isang nagsipag-usbungan ang mga komersyal na establisimiyento. Ang mga sikat na fast food chains at mga convinience stores ay nagkalat na sa paligid. Nagkaroon na rin ng mini Chinatown. Samu't saring restaurants at kainan ang nagsipagbukasan. Napapansin na rin ito ng mga taong labas. Sa tuwing weekends, napupuno ang kalsada sa dami ng dumadayo. Makailang ulit na ring nai-feature sa TV ang ilang mga tindahan at kainang patok sa publiko. Sadyang malaki na nga ang pagbabago sa aming kapaligiran. Ang minsa'y tahimik na kapitbahayan ay isa nang maunlad na distritong komersyal.





Ganun pa man, sa kabila nang mga nabanggit na pagbabago, nanatili akong mangmang sa mga ito. Gawa nga nang di naman ako palalabas ng bahay. Nung nakaraang bakasyon, naisipan kong mag-photo shoot ng aming neighborhood. Pero sa tuktok lang ng aming gusali. Laking gulat at pagkabigla ang aking nadama. Halos di ko na makilala ang lugar kung saan mahigit 20 taon akong nakatira. Panahon na marahil upang ako'y mamasyal masyal. Babalitaan ko kayo sa aking mga matutuklasan.     
      

No comments: